Isa sa mga ayaw ko sa mundong ito eh ang rush hour. Buhat palang nang mag college ako sa PUP at nadiskubre ko ang realidad ng Maynila, kinasuklaman ko na ang sitwasyon ng lansangan pagsapit ng alasingko ng hapon hanggang mga alaswebe ng gabi. Hindi ko naman topic dito ang tungkol sa traffic. Pero may isang bagay na tumtulong sa kin upang makayanan ang rush hour.Siguro mga isang oras din kaming naghintay ng katrabaho kong si Eds kanina ng masasakyan pauwi, bandang 8:10pm. Matagal. Hindi maubos-ubos ang pasajerong…
Kakaibang ingay ang naririnig ko ngayon dito sa bahay. Ingay hindi dahil sa mura ng nanay ko. Kundi ingay mula sa iyak ng isang anghel na may dalang panibagong simula sa aming lahat. Siguro lalo sa kin. Limang bagay lang ang kayang gawin ni Will. Umiyak. Tumae. Umihi. Matulog. Dumede. Kakaiba ang schedule niya dahil graveyard ang kanyang biological clock. Kung kelan nahihimbing ang buong Pilipinas, tsaka naman siya alive na alive. Kakaibang tuwa ang naramdaman ko ng una kong masilayan ang una kong pamangkin sa nursery station…