Habang pinag-uusapan namin ni Rosh, ka-OJT ko sa isang production house, ang nakaraan kong pag-ibig (hehehe) ay nabanggit niya ang isang kakatwang term. Katunog kasi iyon ng pangalan ng taong pinag-uusapan namin. Una inakala ko imbento niya lang. Pero as time goes on, nadiskubre ko na meron nga pala talagang ganoong salita. Ang nakakatawa pa, hindi rin alam ni Rosh mismo na unti-unti naring pumapatok ang ang salitang JEJEMON. Eh ano nga ba ang “jejemon”? Narito ang ilang kasagutan mula sa urbandictionary.com: 1) Usually seen around social networking…
Habang pagala-gala ako sa Facebook, namataan ko ang isang video mula sa YouTube. Ang pamagat ay may kinalaman sa mga “ex”. Pinanuod ko sandali. At kung totoo man ang kwentong ito, pwes talagang lahat ng bagay ay nagaganap ng may kadahilanan. Walang aksidente. Nakatakda lang talaga.
Oo naman blogger ako. Mula ng matutunan ko mag friendster, na-excite na ko lagi tumambay sa mga computer shop nun para mag-internet tuwing pagkatapos ng klase. Friendster ang unang community site kung saan ako nagkaroon ng account o “profile”. Iyon kasi ang unang sumikat na networking site. Kasabay noon ay natutunan ko na rin mag YM, sumali sa mga chatrooms ng mga ignoranteng pinoy na namangha sa galing ng pagcha-chat, mag search sa Yahoo at pumunta sa ibat-ibang website. Wala naman din akong pormal na edukasyon sa computer…