Hindi ko naman inakala na pumipila pala ng pagkatagal-tagala ang mga tao para makanood sa studio ng Eat Bulaga, ang longest-running noon-time variety show ng Pilipinas na #1 pa rin hanggang ngayon. Mapalad kaming nakapasok agad dahil kasali ang PUP sa Pinoy Henyo Inter-collegiate edition at ang department namin ang maglalaro. Kasing liit lang ng isang regular cinema ang studio sa New Broadway Center. Ang SOS ni Bossing! Haha! (Sandata On Sakuna) Anim na pangulo na rin ng Pilipinas ang dinaanan ng Eat Bulaga at nito lang ay…
Ito ang aking School ID. Isa yan sa mga highlight ng college life ko. Technically, hindi na ‘yan valid pero mula ng bumalik ako sa PUP, masaklap mang sabihin, ‘yan pa rin ang ginagamit ko para makapasok sa gate. Buti nalang at hindi naman tinititigang mabuti ng mga sekyu ang ID ko dahil tiyak na maakusaahan akong gumagamit ng ID ng iba pag nagkataon. Makailang beses din nakwestyon ang aking pagkatao dahil sa ID na ‘yan. Minsang ginamit ko ‘to para kumuha ng pera sa LBC, nakipagtalo pa…