Pangatlong akyat ko na sa Mt. Romelo. Una noong 2006 kasama ang mga missionaries ng church namin. At pangalawa noong 2009, kasama ang dalawa sa mga kaibigan ko rin sa simbahan. Nung time na ‘yon, hindi ko pa alam ang pangalan ng bundok. Basta akyat lang kami nang akyat. Ang alam ko lang ay ang pangalaan ng falls sa dulo ng trek – Buruwisan Falls. Isang magandang finale ang falls sa dulo matapos ang nakakamatay na paglalakad. Ang description ko pa sa Facebook album ko ay “suicidal trail”….
Hindi ako hardcore traveler. Pero mahilig akong pumunta sa malalayong lugar. Mga lugar na hindi naman talaga ganun kalayo. Tipong mga adventures na 4-6 hours lang away from Manila at kasya sa budget na mababawi ko din sa susunod na sweldo. Mga trip na hindi kailangan pag-ipunan ng buong taon. Mga madalas biglaan. Pero worth it. Bukod sa pagbabayad ng income tax at value added tax, ito na rin siguro ang ambag ko sa turismo. Marami din naman kasing dahilan para bumyahe ang isang tao. Sa akin, paraan…