Hindi ako hardcore traveler. Pero mahilig akong pumunta sa malalayong lugar. Mga lugar na hindi naman talaga ganun kalayo. Tipong mga adventures na 4-6 hours lang away from Manila at kasya sa budget na mababawi ko din sa susunod na sweldo. Mga trip na hindi kailangan pag-ipunan ng buong taon. Mga madalas biglaan. Pero worth it.
Bukod sa pagbabayad ng income tax at value added tax, ito na rin siguro ang ambag ko sa turismo.
Marami din naman kasing dahilan para bumyahe ang isang tao. Sa akin, paraan ito ng pagtakas. Hindi kasi madalas ang personal fulfillment sa mundong secular. Ang pagbyahe sa ibang lugar, madalas sa literal na paraan ng pag-commute, ay pagtakas sa nakagawian. Pagtakas sa punto ng buhay mo na para bang kaya ka lang bumabangon sa umaga ay para may makain ka sa mga susunod na araw. Sa ibang sabi, pansamantalang pag-iwan sa mga responsibilidad bilang empleyado at bilang tagapagbayad ng buwis. At maging isang tao sa maikling panahon.
Ang pagtakas para makita ang magandang pagsikat ng araw mula sa anggulong hindi mo pa nakikita, para malanghap ang malinis na hangin na mailap sa Maynila, ang pakikihalubilo sa mga simple, masisipag at mapagpakumbabang mga tao, ang magbigay hanap-buhay, ang pagbibigay halaga sa kalikasan, ang mga tunay na paraan, marahil, para maramdaman mong buhay ka. Siguro sa akin, yun na rin ang mga dahilan kung bakit ako buma-byahe.
Together with my college friends (1ntrepidos, 1nighstands) and office friends (MOi trophang khuletz), here’s our adventure. 6 local places. Chosen from over 164 clips. Here’s our Wanderlust 2014.