WILL Has Arrived

Kakaibang ingay ang naririnig ko ngayon dito sa bahay. Ingay hindi dahil sa mura ng nanay ko. Kundi ingay mula sa iyak ng isang anghel na may dalang panibagong simula sa aming lahat. Siguro lalo sa kin.

Limang bagay lang ang kayang gawin ni Will. Umiyak. Tumae. Umihi. Matulog. Dumede. Kakaiba ang schedule niya dahil graveyard ang kanyang biological clock. Kung kelan nahihimbing ang buong Pilipinas, tsaka naman siya alive na alive. Kakaibang tuwa ang naramdaman ko ng una kong masilayan ang una kong pamangkin sa nursery station ng Antipolo Medical Hospital. Tila ba isang hiwaga ang nagkatotoo.

Ang pagdating niya ay para bang simula ng mga panibagong misteryo. Panibagong mga kabanata. Panibagong simula. Wala mang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa kinabukasan, ang bawat pagdilat ng mga maliliit na mata ni Will ay para bang nagsasabi, “kamusta ang buhay?”. Tila ba isang tanong na hindi ko masagot.

Sa ngayon inaantok na ko at kakatae lang ni Will. Mamayang madaling araw, magigising ako sa kakaibang alarm clock na hindi ko sinet.

Eto ang video niya.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *