Buscalan Kalinga

Mga 2 months ago, nadiskubre ko na may long weekend pala sa katapusan ng October. Ayos. Parang awit sa tenga kase ang ‘long weekend’. Ibig sabihin, mahaba-habang pahinga at extra araw na malayo sa deadlines at usok ng pagko-commute. Kaya naisip namin nila Emjhay na pumuntang Sagada. And yes. Isa sa mga factors kung bakit nakaka-engganyo magpuntang Sagada nowadays ay dahil kay JM and Angelica. Which is not bad. Pinakahihintay namin ang long weekend ng Oktubre dahil pare-pareho kaming nilalamon na ng sistema ng corporate world. At para maiwasan…