Mga 2 months ago, nadiskubre ko na may long weekend pala sa katapusan ng October. Ayos. Parang awit sa tenga kase ang ‘long weekend’. Ibig sabihin, mahaba-habang pahinga at extra araw na malayo sa deadlines at usok ng pagko-commute. Kaya naisip namin nila Emjhay na pumuntang Sagada. And yes. Isa sa mga factors kung bakit nakaka-engganyo magpuntang Sagada nowadays ay dahil kay JM and Angelica. Which is not bad. Pinakahihintay namin ang long weekend ng Oktubre dahil pare-pareho kaming nilalamon na ng sistema ng corporate world. At para maiwasan ang hussle ng arrangements and coordinations, kumuha na kami ng tour package a few weeks earlier.
Gabi ng Friday ang alis. Nataong may meeting ako sa isang company partner sa pagkalayo-layong Marriott Hotel. Friday. Payday. Long weekend. So malamang hitik na naman sa traffic ang Metro Manila. Mula Taft MRT ay buong pag-iimbot akong nag-tren upang makarating on time sa kitaan na sa kasamaang palad ay Sa SM North Edsa, bandang 8:30PM. Pakkk. Dulo to dulo ang laban. Bitbit ko na mula sa opisina ang bagahe ko na dadalhin sa Sagada. Kaya ang byahe ko papuntang northern part ng EDSA mula south ay tila isang mahabang traverse.
Sa van, tatlong grupo kami. Apat na babae na mula pa sa Cebu. Isang couple na nasa MU stage palang. At kaming limang weekend warriors. LOL
Napakahaba ng byahe pa-Sagada. Mabubutas mo nalang ang upuan mo, wala pa rin kayo dun. 9:30PM umalis ang van sa Manila. Bandang 4AM nang makarating kami sa Baguio at nag-almusal sa Good Taste. Hindi ko bet ang Good Taste. Pero wala akong choice. Nagpatuloy ang byahe matapong kaming kumain at ilang stop-overs din ang nangyari mula Baguio to Sagada. Halos lahat ng daanan ay paliko, zigzag at tabing bundok o tabing bangin. Malas pa dahil ang grupo namin ang nakaupo sa dulo ng van kung saan ramdam ng bawat cells namin kung gaano kalubak o ka-flat ang kalsada. Pero luckily, hindi ko sila katabi. Hehe!
Ibinaba kami ng van sa Bontoc. Nung oras na yun, akala namin Sagada na, pero may kailangan pa pala kaming sakyan na maghahatid sa aming lahat sa Sagada town proper. Kailangan tawirin ang ilog dahil nasa kabilang side ng ilog ang sasakyang maghahatid sa amin sa Sagada mismo. Ang ibang travellers, nakatopload. Pero hindi na kami nagtangkang umangkas sa bubong dahil sa lamig.
Mahigit dose oras ang buong byahe. Nakarating kaming Sagada bandang 10AM at habang naghihintay makapag check-in, naghanap muna kami ng makakainan. Sikat sa Sagada ang Pinikpikang Manok at Smoked Pork.
Ang Sagada ay isa sa sampung municipalities ng Mount Province. Tahimik at simpleng komunidad. Walang Jollibee. Pero maraming local hotels and apartelle, souvinir shops at mga lokal na kainan. Gaya ng inaasahan, malamig sa Sagada at pabugso-bugso ang ambon. Walang malakas na tugtugan. Walang tunog ng videoke. Walang nagpapatugtog ng Closer. Tanging mga pine trees, mga masayahing residente at aso sa kalsada lamang ang makikita mo kung lalabas ka. Picture a Philippine version of Eat, Pray, Love setting. Ganun.
SUMAGUING CAVE
Sumaguing o Sumaging. Unang activity sa itinerary ang cave spelunking. Ang ideya ko ay caving, na huling ginawa ko pa noong 16YRO ako sa isang cave connection sa Antipolo, Morong at Angono. Pero mas matindi pa pala sa caving ang aming ginawa, spelunking nga talaga! Sa Lumiang Burial Cave palang (unang dinaanan), sinabihan na ko ng tour guide na bumili nalang ng tsinelas dahil madulas daw ang sandals kong suot. Ewan ko kung tie-up ni kuya ang mga tindahan doon o talagang concern siya na baka nga madulas ako. Anyhow, tumuloy lang kami sa Sumaguing Cave na nakasandals.
Bandang 3PM nagsimula kaming pumasok sa kweba. Malaki ang bukana. At bawat tour guide ay may dala-dalang lampara na magsisilbing ilaw ng mga turista sa loob. Kaya siguro hindi required ang kanya-kanyang led lamps. Ewan ko kung ano tawag dun sa ilawan na ‘yun. Basta ilawan iyon ng mga nagtitinda ng mani sa Maynila noong di pa uso ang LED light. Bale dalawang tour guides ang kasama namin dahil 1:5 ang ratio ng tour guide sa bawat grupo ng bisita. Kasama na ang tour guide fee sa package, pero para sa mga walk-in, ang presyo is P150/head.
For Sumaguing Cave, pinakabasic activity ang spelunking. Ito yung mismong cave exploration kung saan binaybay namin ang kweba pailalim habang tinutuklas ang mga rock formations sa loob ng mga 2-3 hours. Ang isa naman ay pag-explore sa cave connection kung saan mas malalim at mas malayo ang route na connected sa Lumiang Burial Cave, na hindi na namin inavail. Sapat na ang cave spelunking sa Sumaguing Cave. Nakakamangha ang loob. Maraming bangin sa gilid. Isang pasaway move mo lang at tiyak huling araw mo na sa mundo. Madilim at amoy ng hayop. Maingay ang mga paniki na nagtatago sa mga madidilim na bahagi ng mga bato.
Matapos ang mahigit isang oras, nagtaka ako kung bakit kami pinaghubad ng mga sapin sa paa. Magsisimula na pala ang totoong spelunking. Ito yung part na mag-e-explore kami sa mga anyong tubig sa loob ng kweba kasabay nang pagmamasid sa mga stalactites, stalagmites and rock formations na binibigyang buhay ng mga tour guides. May anyong crocodile, anyong Holy Trinity at iba pa. Malawak ang kweba sa ilalim. Napakalawak. Yung akala ko na dulo na, may mga pwede pa palang lakaran at suotan. Sa dami ng mga ilaw na bitbit ng mga tour guides at sa laki at lawak ng kweba, nagmukha kaming mga alitaptap sa malawak na dilim.
Tulad nang inaasahan, malamig ang tubig at mahirap ang magbabad. Si Erli, isa sa aming kasama, lumundag sa isang basin na lampas tao ang lalim. Buhay pa naman siya.
Palabas ng cave, bigla ko nalang naisip kung paano namuhay ang mga sinaunang tao. Yes, umabot ako sa ganoong realization. Nung elementary palang, tinuturo na sa atin sa HEKASI (noon) na ang mga unang civilization ay namalagi sa mga kweba bago pa man sila natutong magtayo ng mga bahay. Ibigsabihin, natuto silang mamuhay sa dilim, sa ginaw, sa liwanag ng apoy, kaisa ang kalikasan araw-araw. Hindi sa traffic or inflation rate. Hanggang sa mga aklat lang para sa ‘kin ang kweba noon, kaya happiness ang feeling na narating ko at na-survive ang Sumaguing Cave. Nakakapagod, pero rewarding. Sa mga magtutungo ng Sagada, huwag niyong lalaktawan ang kweba ng Sumaguing. It’s a magical, mysterious and enchanting place.
ECHO VALLEY & HANGING COFFINS
Yeah. Mainstream na ang Echo Valley at Hanging Coffins sa Sagada. Probably nakita mo na ‘yan sa isa sa mga Instagram posts ng tropa mong nagsadya na sa Sagada. And why would anyone decline to visit Echo Valley when they get to Sagada? Feeling ko, Hanging Coffins ang talagang origihinal na tourist attraction sa lugar. Sinunod na lang na pangalanan ang lambak na Echo Valley dahil, as its name suggest, maaari kang sumigaw to your heart out and expect to hear multiple echos after. Mukha ka nga lang tanga dahil halos lahat kayo dun sumisigaw na para bang first time niyo nakarinig ng echo. Sa bagay, sa panahon ngayon, bihira na lang ang echo.
Papuntang Hanging Coffins, nadaanan namin ang Sagada Cemetery sa ilalim ng nag-iisang telecom tower sa municipalidad, Globe tower (kaya malakas ang Globe sa Sagada). Umaambon ng umaga iyon. Late kami sa grupo dahil napasarap ang almusal sa Bana’s at may miscomm between us and the driver. Malamig, umaambon at tahimik sa Echo Valley. Sa gitna ng nagtataasang mga puno sa gilid ng lambak, you can find peace at Echo Valley. Kung wala lang nga kaming sinusunod na itinerary, I want to stay longer sana doon. Nakakatuwa ang katahimikan.
Pagdating sa Hanging Coffins area, nadatnan naming nakatumpok ang mga tao habang nakikinig sa tour guide, dini-discuss ang kasaysayan ng mga nakasabit na kabaong. Sa Asya, isa ang Pilipinas sa tatlong bansa na nagpa-practive ng Hanging Coffin burial. Ang dalawa pa ay ang Indonesia at China. Ayon sa mga lokal ng Sagada, matagal na panahon na nang magsimulang isabit ng mga sinaunang tao ng Mountain Province ang mga patay sa gilid ng cliff. Naniniwala kasi sila na ang pagsabit sa labi ng namayapa sa gilid ng lambak ay maglalapit sa namayapa sa langit at sa kanyang Manlilikha. Ayon din sa mga lokal, 2010 lang ng may huling libing na naganap dito. Looking at the hanging coffins alone, creepy siya. Kapansin-pansin na maliliit ang mga coffins. Ito ay dahil sa tinitiklop ng mga taga Mountain Province ang bangkay ng namayapa sa loob ng kanyang coffin na parang fetus sa sinapupunan. Ganitong posisyon daw kasi maglibing ang mga Igorot. Ganyan din ang paliwanag ng lokal sa Lumiang Burial Cave kahapon.
Mag-uundas nang magtungo kami, kaya naiibang Sunday morning ang karanasan sa Hanging Coffins site. More than Instagram post, kung seseryosohin mo ang Echo Valley at Hanging Coffins, matututunan mo ang maliit na bahagi ng kultura ng Sagada at ng Mountain Province in general.
Bonus experience pa ang whole wheat bread na binebenta sa labas ng Echo Valley. May dalawang flavor, cheese and chocolate. Sa halagang P25. At nagulat kami sa sarap ng whole wheat bread. Yung tipong kung dadalhin mo sa Maynila ay pwede mong ibenta sa Starbucks sa halagang P125-150.
BUSCALAN VILLAGE, TINGLAYAN, KALINGA
Heto ang highlight ng long weekend. Heto ang favorite part ko. Simula kahapon, Day 1, nag-iisip na kami kung paano makakapuntang Kalinga. Parte kase ng package ay ang option to meet Apo Whang-Od, ang pinakamatandang tattoo artist sa Pilipinas na namamalagi sa isa sa mga bundok ng Kalinga province. Ngunit ang pagtungo kay Apo Whang-Od would mean additional expense sa aming buong van group. Kinagabihan, nakahanap kami ng contact mula sa Salt & Pepper Diner, na pwedeng maghatid sa aming lima papuntang Kalinga. Nakilala namin si Kuya Nardo (09482510949), tubong Sagada. Sa halagang P4,000 pumayag na kami na magpahatid kinabukasan patungo kila Apo Whang Od.
Hindi na kami tumuloy pa sa Bumo-od Falls after ng Echo Valley. Bagkus ay nagpahatid na kaming sa Gaia Cafe kung saan din kami imi-meet ni Kuya Nardo. Kilala ang Gaia Cafe dahil dito naganap ang isa sa unforgetable scenes ni Angelica & JM sa Sagada. May litrato pa nga ang cafe ng eksena at theater poster ng pelikula. Nasa gilid ito ng bangin at overlooking the Sagada rice terraces. Tahimik. Malamig. At malayo sa realidad. Ang sarap lang magpahinga. Sabayan mo pa ng mainit at masarap nilang rice coffee. #TravelGoals
Pass 12NN nang magsimula ang aming byahe patungong Kalinga. Mazigzag ang daan at ang mga kalsada ay nasa gilid ng bundok at bangin. Mahalaga na sanay na sanay sa ganitong route ang driver dahil konting mali ng tantsa, bye-bye earth. Wala kang ibang makikita kundi bundok, bundok, bundok at maraming semi-rice terraces. Umabot din sa lampas dalawang oras ang byahe bago namin naabot ang Tinglayan, Kalinga. Doon ay sinalubong kami ni Kuya Danny (09095521591), isang tour guide patungong Buscalan Village kung saan naroroon si Apo Whang Od. Required ang Tour Guide sa lugar sa halagang P1,000 para sa day tour. Nabalitaan namin mula kay Kuya Danny na marami-raming tao na rin ang umakyat patungong Buscalan para magpatattoo. At dahil lampas alasdos na rin, pinayuhan na kami ni Kuya Danny na mag-overnight nalang para makapila kay Apo. Pero hindi kami pwedeng magovernight.
Mula sa lugar kung saan namin dinaanan si Kuya Danny, may mga 15 minutes na drive pa papuntang Buscalan Village. Kapansin-pansin na simentado na ang mga daan na accessible ng sasakyan papuntang Buscalan. Hinatid kami ni Kuya Nardo sa kung hanggang saan pwede ang sasakyan at mula doon ay nilakad na naming lima kasama si Kuya Danny. Ayon sa kanya, dahil maraming turista ang nakapila kay Apo Whang Od, ang pwede naming gawin ay magpatattoo sa mga apo at pagkatapos ay magpalagay ng signature kay Apo Whang Od.
Halos isang oras din ang lakad sa gilid ng bundok. Matarik. Pero simentado ang trek. Kapansin-pansin din ang mga kawad kaya mukhang nabiyayaan na ng kuryente ang village nila Apo. Nasa dalawang magkatabing bundok ang daanan at ang Buscalan Village, kaya matapos mong bumaba ay aakyat ka naman patungo na mismo sa mga kabahayan. Hindi na mahirap ang daan dahil nga simentado na. Wala gaanong putik at hindi rin madulas kahit maulan.
Bandang 3PM nang maabot namin ang Buscalan Village. Ito ang komunidad na nakapwesto sa bulubundukin ng Tinglayan, Kalinga province. Wala kang ibang matatanaw sa paligid kundi mga bundok at mga hagdan-hagdang palayan. Patungo mismo sa kinalalagyan ni Apo Whang Od, kapansin-pansin ang payak at masayang pamumuhay ng mga taga Buscalan. Lahat sila bumabati na para bang sanay na sanay na sila sa mga bisita. Bata o matanda, sumasalubong ng ngiti. Simentado ang mga daanan, may linya ng tubig at kuryente, may sariling paaralan, meron ding satellite dish ng Cignal Cable at ilang kabataan na may bitbit na mobile tablet, masasabi kong hindi na rin nahuhuli sa modernisasyon ang Buscalan Village. Isa iyon marahil sa mga dahilan kung bakit unti-unti na ring namamatay ang mga sinauna nilang tradisyon gaya ng pambabatok.
Ang “batok” ay isa sa mga sinaunang tattoo sa Pilipinas na matatagpuan sa Kalinga province. Ito ay nagagawa lamang sa pamamagitan ng hand-tapping gamit ang tinik ng kalamansi at tinta na galing sa uling. Si Apo Whang-Od Oggay, edad 97, ay tinaguriang Huling Mambabatok dahil sa kanyang mahabang karanasan sa pagbabatok para sa mga kalalakihan ng kanilang tribo na nagpamalas ng galing sa pakikipaglaban. Ibinibigay din ito sa mga kababaihan ng tribo as a way to become more attractive. Ang batok ay nagsisilbing gantimpala sa mga tribal warriors na naka sugpo ng kalaban. Ayon sa ilang news articles, matagal na raw naubos ang headhunters sa tribo nila Apo, pero isang recent documentary from National Geographic ang nagpakita ng isang warrior na sumadya kay Apo Whang Od para magpabatok.
Matandang dalaga si Apo Whang Od. Nagdesisyon siyang huwag nang mag-asawa matapos pumanaw ang kanyang kasintahan noong siya at 25YRO palang. Sa ngayon, katuwang niya sa pagbabatok ang kanyang mga apo sa pamangkin gaya ni Grace. Hindi umano maaaring ipasa sa ibang lineage ang pagiging mambabatok sa paniniwalang ito ay magdadala ng sumpa (or infection) sa sinomang malalagyan.
Agad kaming dumiretso sa kinaroroonan ni Apo at gaya ng inaasahan, maraming turista ang nag-aabang na malagyan ng batok. Pinakilala kami ni Kuya Danny sa dalawang mambabatok na apo ni Apo Whang Od, si Emily Oggay at Renalyn Palicas. Si Jerald at Ian, nagpatattoo kay Emily, at si Erli & Emjhay naman kay Renalyn. Hindi pa ako fully decided magpabatok dahil 1) Wala pa kong maisip na design and 2) Ipinagbabawal sa church. Though naisip ko na rin papunta palang na kahit signature lang siguro, pwede na. Ang signature tattoo ni Apo ay tatlong tuldok na magkasunod, hindi daw kasi natutong bumasa at sumulat si Apo ayon kay Kuya Danny. Mabilis lang ang naging pagtatattoo nila Emily and Renalyn sa apat kong kasama. Kanya-kanyang reaction. Pero ang pinaka affected sa apat ay si Emjhay, pero sabi niya, sa una lang naman daw masakit. Agad kaming ipinila ni Kuya Danny kay Apo para sa signature.
Iba ang timbre ng paghampas ni Apo ng kahoy. Mas malalim at mas malakas. Kay Emily at Renalyn, mahina at pulido, dahil siguro mas malinaw pa ang mata nila. Ngunit taliwas kay Apo Whang Od. Bago pa man sumalang ang mga kasama ko, may isang lalaking tinatatuan si Apo sa likod, mga isang oras na rin daw. Ramdam na ni kuya ang sakit dahil halos sa buto na daw tumatama. Patuloy na rin ang paglabas ng dugo. Makikita sa mukha ni kuya ang pagtitiis sa sakit para lamang malagyan ng makasaysayang tattoo.
Nang oras na namin, unang isinalang para sa signature si Jerald. Maliit na fish symbol ang tattoo ni Jerald. Natawa si Apo, mukha daw “buto”. Haha! Mga 2 minutes lang ang signature tattoo, after malagyan, pagkakataon na para makakuha ng picture or selfie with the last mambabatok. Sumunod si Erli, then Emjhay at Ian. Half-hearted pa ko sa pagpapatattoo dahil plano ko na rin sana bumalik nalang din kapag nakapili na ko ng symbol na pwedeng ipa-batok. Pero nandun na ko. At nasa harapan ko na rin si Apo Whang Od. Matapos ang halos 15 hours na travel time para makarating sa kinaroroonan niya, naisip ko na rin na pagkakataon na ito at ang batok ay hindi naman ordinaryong tattoo na nakukuha lang basta-basta. Kaya kahit signature lang (literally tatlong tuldok), nagpa-batok na ‘ko kay Apo.
And tell you, masakit.
Imaginin mo na tinutusok ka nang paulit-ulit sa iisang lugar ng balat mo. Ganun siya kasakit. Mababa ang tolerance ko sa pain at kahit normal injection lang sa hospital or clinic, takot na ‘ko kaya halos hindi maipinta ang mukha ko sa loob ng mga dalawang minuto habang nilalagyan ako ng batok. Half-way ng proseso, akala ko tapos na. Yun pala, may isang round pa. Paulit-ulit na pukpok ulit sa bawat tuldok. Mabilis ding natapos ang masakit, pero makasaysayang pambabatok sa kin ni Apo Whang Od. At pagkatapos ay nagkaroon na ko ng pagkakataong magkaroon ng selfie with her. Alam kong isa lamang kami sa daan-daang dumadayo sa kanyang lugar upang magpalagay ng sinaunang tattoo, pero para sa amin, para na rin siyang isang simpleng karangalan. Malapit nang mawala sa mundong ito ang isang Filipino ancient tradition dala ng modernization. Kaya ang pagkakaroon ng short and rare encounter with Apo is a travel worth the time, struggle and sacrifice. Para sa aming apat, except Ian, this is our first tattoo art, and most likely my one and only. And for some reason, masarap sa pakiramdam. Sana lang talaga, dumating ang time na siya ay pormal na hirangin bilang National Living Treasure, an equal rank to National Artist, para kilalanin ang kanyang ambag sa kultura, sining at kasaysayan ng sinaunang Pilipino.
Pasado alasingko ng magsimula kaming maglakad pabalik sa van. Mabilis kumagat ang dilim sa trek. Iniwan namin si Apo Whang Od na patuloy pa ring pinalilibutan ng mga bisitang naghihintay ng kanyang serbisyo. Pagod na siya. At most likely, bukas na ulit siya magbabatok. Gusto ko ‘man siyang kausapin kahit saglit, halos hindi na rin pwede dahil sa dami ng tao at language barrier. Karamihan sa mga nagpapabatok sa Buscalan ay namamalagi sa mga home-stay. P300/head/night. Magandang option iyon para mga taong nais talagang lumayo sa ika nga’y hassles and bustles of city life.
Pero para sa aming lima na nararapat nang bumalik sa Sagada, achievement unlocked!
Inabutan na rin kami ng ulan pabalik kaya basa kami ng makarating sa van. Dumaan kami ng Bontoc para mag withdraw at kumain ng dinner. Palabas sa TV ang Pinoy Band Superstar.
Alaswebe na nang makarating kami ng Sagada. Pagod ang katawan, nabalitaan naming 4:30AM ang call time kinabukasan. Para daw umano salubungin ang sunrise sa Kiltepan, kung saan sumigaw si Angelica. Nang gabing iyon, bumili na ko ng souvinir shirt sa tapat ng hotel kasama si Emjhay.
Here’s our video:
LAST DAY AT CORDILLERA
Maaga nga kaming gumising. 4:30AM to be exact para umano’y mag sunrise sa Kiltepan. Oras na rin para mag check-out. Pero epic fail ang Kiltepan. Maulan kasi at maulap. Walang araw. Napabili lang kami ng sopas na halagang P50 pero lasang P10. Nakita din namin si Maiyie and Sem na nag Sagada din with their family. Bandang 7AM nang makarating kaming Bontoc para tumawid ulit ng ilog.
Last stop ng itinerary ang City Tour sa Baguio kung saan dinaan kami ng van sa Strawberry Farm, Grotto at sa Diplomat Hotel na first time kong napasok. Ang creepy ng Diplomat Hotel. Pinabaduy lang ng mga kabataang jeje.
Bukod sa misteryo ng Hotel, isang nagpagulat sa ‘kin ay ang city landscape view ng Baguio mula sa rooftop ng Diplomat. Puro bubong at mga gusali. Wala ka na halos makitang pine trees. Nakakalungkot lang. Sana’y magkaroon ng regulation ang mga establishment and residential properties sa Baguio. Baka kase dumating ang panahon, mainit narin sa Baguio.
Nakakapagod ang byahe sa Cordillera. Napakalayooooooo. Pero meron itong naiibang ganda. Iba sa ganda ng mga beaches and summits na narating ko. Ang Cordillera region ay may handog na sining, history, adventure and peace that everyone should see and experience. Lakas maka Department of Tourism.
Kung uulit ba ko sa Cordillera? Definitely. Marami pang pwedeng puntahan. Ang Marlboro Hills, ang Benguet, Ifugao, Apayao, etc. To the next adventure!