The I-Witness Hosts

Sa sobrang bilis ng panahon, magugulat ka nalang na kaarawan na pala ng kaibigan o ng kamag-anak mo. Madalas kasi tayong abala kaya madalas din tayong magulat sa mga pagbabago, sa pagtanda, sa paglipas ng panahon. Parang mga 2 years ago lang nang makalahok ako sa 1st Docuseminar ng I-Witness, ang longest running documentary program sa Philippine TV ng GMA7. Pero na-realize ko, 2008 pa pala yun. Anim na taon na ang nakalipas. Kumbaga, isa akong Noranian or Vilamanian ng I-Witness. Sa panahon kasi na sandamakmak ang teleserye…