Yung malinaw sa isip mo na kailangan mo ‘tong pagdaanan. Na walang ibang paraan kundi ang hayaang lumipas ito. Na walang ibang makakatulong kundi ang sarili mo lang. Na kailangan mong maging matatag kase mas marami pang kailangang gawin at mauubusan ka lang ng oras. Pero sa ngayon wala ka talagang magagawa dahil bahagi ‘to ng proseso. At alam mong lilipas din ang lahat. At hihilumin ng oras ang lahat ng sugat. Pero sa ngayon, magmumukmok ka muna sa isang sulok ng isip mo. #Nostalgia