#Conquer – Sierra Madre, Laguna

Pangatlong akyat ko na sa Mt. Romelo. Una noong 2006 kasama ang mga missionaries ng church namin. At pangalawa noong 2009, kasama ang dalawa sa mga kaibigan ko rin sa simbahan. Nung time na ‘yon, hindi ko pa alam ang pangalan ng bundok. Basta akyat lang kami nang akyat. Ang alam ko lang ay ang pangalaan ng falls sa dulo ng trek – Buruwisan Falls. Isang magandang finale ang falls sa dulo matapos ang nakakamatay na paglalakad. Ang description ko pa sa Facebook album ko ay “suicidal trail”.

Mt. Romelo

Lakas maka-throwback. Our 2009 hike at Mt. Romelo.

Noong 2006 na akyat, hindi ako nakapasok sa eskwelahan (plano ko pa kasing pumasok sa klase sa gabi ng araw na ‘yon). At 2009 na akyat ko naman, hindi ako nakapasok sa pinapasukan kong call center ng gabing ring ‘yon (yep, may shift ako that day). Puro kase dayhike, akyat-baba on the same day. Hindi pala advisable. Minsan hindi sa una o pangalawang beses ka matututo. Minsan, sa pangatlo. So ngayong bumisita si Pope Francis ng mga kapatid nating Katoliko, may super long weekend. Purrfect!

“Mt Romelo” ang pangalan na nakasanayan ng mga hikers sa bundok na ‘to. Pero ayon sa nakausap naming registration officer, ang Romelo ay pangalan ng ilog na kumokonekta sa apat na talon namely, “Buruwisan Falls” ang pinakamataas, ang iba pa ay Old Buruwisan Falls, Batya-Batya Falls & Sampaloc Falls. At ang lokal na tawag sa nasabing bundok ay Sierra Madre.

1. GETTING THERE. Around 7AM, mahigit sa kalahati ng grupo namin ang nagkita-kita sa Kapitolyo, Pasig. Mula doon, sumakay kami ng jeep byaheng Tanay at bumaba sa may Shopwise, Antipolo para i-meet ang iba pa naming kasama. Actually, pwede nang dumiretso sa Tanay dahil matapos kaming magkita-kita at bumili ng ilan pang nalimutan, sumakay din ulit kami ng byaheng Tanay. Sa palengke ng Tanay ang hinto ng jeep. Mula doon, lumipat kami ng panibagong jeep byaheng Siniloan, P47. From Siniloan proper, sakay lang ulit ng Trycycle at sabihin kay manong driver na sa Buruwisan ang punta, P20 per head.

Kasya hanggang 6 na katao ang trycycle, kaya nagkasya kaming lahat.

Mt Romelo

Signage along the way. This the drop off. You can walk a few minutes to get to the registration area. Photo from Emjhay.

Signage along the way.

REGISTRATION AREA. Headed by Registration Officer Pedro Pontipedra. Registration fee is P50 per head.

Handa na ba kayong maputikan?!!

Mt Romelo

2. INTRODUCING THE STAR OF OUR TREK. Out of nowhere, bininyagan namin ng pangalawan na Vice ang babae at puting kabayo ni Kuya Noel na siyang nagdala ng mga gamit namin paakyat at pababa ng trail sa halagang P300. Not bad. Bawas pasanin na rin at dagdag raket ni Vice. Hindi na kami kumuha ng tour guide pero ginabayan narin kami nila Kuya Noel along the way.

Meet Vice. Bagong bili lang daw siya ni Kuya Noel. Maraming kabayo sa Brgy Macatad at isa ito sa kanilang pinagkakakitaan. Huwag mahihiyang kumuha ng isa.

Mt Romelo

For Kuya Noel & Vice, going up & down the Sierra Madre is their daily & normal routine. But for us, its like once in a lifetime. Kuya Noel is very humble & trustworthy. You may ask for him in the registration area. When one of our group offered him tip, he actually declined.

Mt Romelo

3. ASCENDING. Kilala ang Mt Romelo bilang bundok na may maputik na trail, kaya hindi makabubuting umakyat sa panahon ng tag-ulan. Pero buti’t hindi masyadong maputik ang daan nang umakyat kami. Hindi naman kasi nag-uulan ng mga nagdaang araw. Maraming trails sa daan pero hindi naman nakakaligaw dahil nagtatapo din ang mga trail sa dulo. Noong mga unang punta ko dito, hanggang dalawa lang ang trail. Sinadya daw yun para maligaw ng konti ang mga umaakyat. Ngayon kase parang marami na. Pero ayon naman kay kuya noel, sa tuwing may dalawang trail, lagi lang daw piliin ang kanan. Iyon daw ang daanan para sa tao at madalas ang kabilang side ay para sa mga kabayo, kaya lubhang mas maputik ‘yun.

Bandang 2PM kami nagsimulang umakyat. Malilim ang daan kaya hindi naman problema talaga kung anong oras magsisimula. Anytime of the day will do.

Mt Romelo

Mt Romelo

Sabi ni Kuya Noel, a total of tatlong bundok ang tatawirin to get to Buruwisan Falls. Kaya maraming akyat-baba na slope along the trail.

Mt Romelo

First time ni Jaja umakyat, isang officemate.

Mt Romelo

Okay na sana. Kaso sumama nang naka-havaianas.

Mt Romelo

Pero naka-survive naman ang paa niya paakyat.

Mt Romelo

4. CAMPSITE. Noong unang dalawang beses na punta ko, hindi ko alam na may campsite pala. May kalakihan naman ang campsite at may naka-steady naman na caretaker. Late 2000s nang mabalita ang sunod-sunod na nakawan sa mga hikers dito. Kaya dumalang daw ang tao noon. Mula ng bandang 2012, mas pinaigting ng Brgy Macatad ang siguridad ng lugar. Di naglaon, muli din namang bumalik ang sigla ng mga dumadayo sa Buruwisan Falls.

May dalawang side ang campsite na pinag-gigitnaas ng ilog at magkaiba din ang caretaker. Nakahanap kami ng mainam na pwesto pagtawid ng ilog. May maliit na sari-sari store ang caretaker na napuntahan namin na nagbebenta ng softdrinks at yelo kapag may naghatid. Nag-aalok din sila ng paluto ng kanin sa halagang P20. May palikuran at may fresh water na pwedeng inumin. Hindi pwedeng hindi ka iinom sa fresh water dahil for sure, hindi rin naman aabot ng 2 days ang tubig mo. Lahat ng bumisita sa lugar ay umiinom naman doon. Legit na mineral water ika-nga.

Sa campsite, pinaparenta din ang mga cottages for P300 for unli-stay. At kung magtetent naman, walang bayad. Pero P100 kung gagamit ng table.

Mt Romelo

5. LAMESA, WASAK KAY EMJHAY. Note-worthy kase ‘to. Hahaha. Normal lang na umupo si Emjhay sa lamesa, college friend, ng biglang… blagg!! Wasak ang lamesang niluma ng panahon. Agad namang rumesponde ang caretakers at pinalitan ang lamesa. Sinabi nalang namin na nasira ang lamesa after patungan ng mga gamit. Haha.

Mt Romelo

Mt Romelo

Photo from Emjhay herself.

6. ILOG BONDING. Oh kay sarap magtampisaw sa malinis na ilog matapos ang nakakahapong pagpapagal sa kabundukan. After ma-settle ng mga gamit at tent, sinamantala na namin ang pagligo sa katabing ilog bago tuluyang kumagat ang dilim. Maaliwalas ang hapon. Tahimik ang paligid. Malamig at malinis ang tubig. Pristine.

Mt Romelo

7. SURVIVE THE NIGHT. Walang kuryente sa campsite kaya kanya-kanyang dala ng LED light. Kaso huli na nang malaman namin na buong maghapon palang nakabukas ang LED light namin sa box nito. Kaya lowbat na nang gagamitin na namin mismo. Fail. Nagsilbing tanglaw ng gabi ang mga flashlight ng cellphone namin. Nagsindi din kami ng bonfire mula sa konting kahoy ng nasirang lamesa. Dinner, kwentuhan, games.

Bandang 10PM kami pumasok sa tent. At kahit may rumorondang mga baranggay tanod na may dalang mga flashlight, ewan ko ba’t maligalig pa rin ang tulog. Haha. Impluensya ng Wrong Turn at Hills Have Eyes. At oo, umulan magdamag.

Mt Romelo

Mt Romelo

Si Erick, halos kababata, ang dakilang kusinero/kusinera namin na eksperto sa pagbabaga ng uling at kahoy. Dati silang may BBQ business kaya madali na sa kanya ang magluto ng walang kalan. Lagi kong sinasama sa mga pag-akyat dahil malaking tulong si atashi. Haha.

Mt Romelo

8. THE FALLS IN OUR STAR. Maulan ang umaga kinabukasan. Basa ang lupa bunsod ng magdamag na ulan. Medyo mahirap kumilos at imposible magpaningas ng apoy. Kaya minabuti naming magpaluto ng kanin at upakan ang mga natirang ulam kagabi. Solb.

Oras na para puntahan ang falls.

Sa ibaba ng campsite ang falls. At matarik ang daan nito pababa. Kailangang kumapit sa mga naka-usling ugat ng puno. Mula sa roon ay pwede mo nang masilip ang talon.

Buruwisan Falls

Konting baba pa.

Buruwisan Falls

And ladies and gentlemen, the great Buruwisan Falls. At 180 ft, ito ang pinakamataas na talon sa apat. Malawak ang catchbasin at kami lang ang tao ng mga oras na ‘yon. May kasabay lang kaming ilang mountaineering students from PNU na nagra-rapel.

Buruwisan Falls

Buruwisan Falls

9. DESCENDING STRUGGLE. Bandang 1PM nang magligpit na kami ng gamit. Pack-up na. Dumating na rin si Vice at si Kuya Noel para muling kargahin ang mga gamit. Alam ko namang mas magiging maputik ang daan dahil sa magdamagang ulan, pero mas matindi pa sa inakala ko ang naranasan namin pababa ng Mt Romelo.

90% ng trek ay gawa sa malambot, basa at malagkit na putik. Ang remaining 10% ay para sa mga naapakan naming damo at iilang bato. Maraming beses aabot ka sa puntong hindi mo alam kung paano makakatawid. Either wala kang makakapitan o kailangan mong humalik sa lupa or iisipin mo na hindi daanan ng tao yung trek. Parang mga dinosaur ang dumadaan dahil talagang hindi siya mukhang daanan ng normal na tao.

Along the way, ginabayan nalang ulit kami ni Kuya Noel at dinala kami sa mga daan na di umano’y mas ligtas na daan kesa sa dinaanan namin paakyat. Hindi na rin nakayanan ni Jaja (na naka-havainas) ang trek kahit pa nag-paa na siya kaya nang makakita ng kubo na may mga kabayo, agad nalang din siyang kumuha ng isang kabayong maghahatid sa kanya pababa, sa halagang P300. Kami nama’y patuloy ang mahirap at masayang kalbaryo.

Noong una, iniiwasan namin malubog sa putik ang aming mga sapatos. Pero bigo kami sa maraming pagkakataon. Haha. Kaya’t di naglaon, hinayaan nalang din namin ang sarili naming umapak sa mismong putik, kase walang choice. Ayon kay Kuya Noel, mabilis pa raw kami. Yung una kaseng grupo na umalis bago kami ay naunahan pa namin sa kubo na may tindang softdrinks. Mula doon, kalahati nalang.

Mt Romelo

Mt Romelo

Mt Romelo

Mt Romelo

Mt Romelo

Maulan at malakas ang hangin sa summit na nadaanan namin pababa. Nabasa kami. Pero ilang minuto lang din, umaraw na. Parang babae ang panahon sa tuktok ng Sierra Madre.

Mt Romelo

Mt Romelo

Dahil madulas at mahirap ang daan, hindi na nakayanan ni Jaja ang maglakad kaya kumuha na siya ng kabayong masasakyan pababa. #FeelingHacienera

Mt Romelo

Mt Romelo

10. WRAP UP. Agad kaming naglinis ng sapatos (at sarili) sa may ilog na malapit sa registration center. Sa mismong registration center, meron ding banyo na pwedeng magamit kung gusto mong magpalit ng damit or totally maligo, wala namang bayad. Matapos mag-ayos ng gamit at mag-log out sa logbook ng baranggay, oras na para umuwi. Past 4PM na kami nakababa.

Mt Romelo

Groupie before heading home. Malinis na ulit ang mga yagit.

Mt Romelo

Groupie with Kuya Noel & Vice.

Pabalik sa sibilisasyon, sumakay kami ng tryc papuntang Siniloan proper. Sabihin niyo lang sa driver na ibaba kayo sa terminal ng jeep na byaheng Crossing at diretso na yun dun. Sa kasamaang palad, dahil past 5PM na kami nakarating ng bayan, last trip na ang naabutan naming jeep na byaheng Junction, Cainta at paalis na. Buti nalang at tinawag at pinahinto ng kundoktor ang jeep. Umupo nalang ang mga babae sa gitna ng jeep at ang mga lalaki at umakyat sa bubong. Wala ng choice. Hindi ko alam na may last trip pala. Isang alternative naman ay magdalawang sakay. Jeep pa-Tanay at from Tanay ay sumakay ng jeep pa-Crossing.

Sa madaling sabi, nakasabit ako hanggang makarating ng Antipolo. Malayuan kasi ang baba ng mga pasahero.

Mt Romelo

 

 

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *