The Mt. Pulag Diary

REAL-TIME ENTRY

10:11PM TERMINAL – Pasado alasdyes umalis ang bus. Masaya kaming nagkita-kita sa terminal. Si Drew, si Jaja, si Emjhay, si Alfred, si Erli, si Efraim and si Jerald ang mga makakasama kong aakyat sa pangatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas, ang Mt. Pulag. Ewan ko ba at nahilig nalang kami bigla sa pamumundok. Pang limang summit ko ang Mt Pulag. At ngayong nasa byahe kami patungong Baguio papaunta roon, sa totoo lang, puno ako kaba. Nasimula kaming magplanong akyatin ang Mt. Pulag last year. Overrated na siguro sa ilang namumundok ang Pulag, pero para sa amin, isa itong bonggang bonggang major climb na may seryosong paghahanda.

IMG_0690

Flashback to preparation. Mabuti at naimbento ang mga travel agency. Pinapadali nila ang buhay ng mga travellers. Hindi na kami nagtangka pang mag DIY para iwas hassle, adventure lang. All in sa halagang 4,100. Nagsimula ang plano ng mga August last year. Paiba-iba. Pero consistent sa kagustuhang umakyat. February na ng magdecide kaming mag Travel Factor. Akala namin, buhay na kami sa budget na 4,100. Pero habang papalapit nang papalapit ang petsa ng aming akyat, tyaka namin nare-realize na kailangan pala naming mag-invest ng mga gagamitin. Hindi sapat ang mga pabebeng bitbit namin sa mga normal na akyat. Dahil sa Pulag, napilitan akong bumili ng sandals, bagong trekking shoes (yung last ko is nasira sa Mt Romelo noong 2015), headlamp, walking stick, trekking socks, lock n lock tumbler, etc. Medyo magastos, oo. Pero okay na rin dahil magagamit rin naman sila sa iba pang okasyon. In short, investment.

?????

DAY 1

8:07AM DENR – Orientation na dito sa DENR center.  Pasado alaskwatro ng madaling araw nakarating ng Baguio ang Victory Liner bus. Sa terminal palang ng bus, ginaw na kami. Ilan sa ‘min nagsuot na ng jacket. Sabi ni Rico na taga Travel Factor, kalahati palang daw ng lamig dito sa Baguio ang lamig sa Mt Pulag. Hala siya. Sa terminal ay mayroon nang nag-aabang sa amin na jeep. Dumaan kami sa Good Taste para mag-almusal. Sariling gastos yun at di kasama sa package. In addition, hindi rin masarap ang pagkain sa Good Taste. Fair Taste lang siya dapat.

May araw na nang makarating kami sa DENR.

?

_MG_0817

_MG_0827

Sa DENR center nagkakaroon ng orientation ang mga aakyat sa Mt Pulag. May video about sa bundok at may taga-orient from DENR. Ang highlight ng orientation is that Mt Pulag is home daw of diverse vegetation. May mossy forest, grassland and more. Nag discuss ng rules which is mainly focused sa pagma-manage ng basura. At isa sa new info na nalaman namin is about the different trails na hindi ko nabasa sa ilang blog na chineck ko (or hindi rin siguro ako masyadong nag-check). There are like 5 treks daw to Mt. Pulag summit. Ambangeg is the easiest trail with more flat walk ways and is about 8 kilometers only from Ranger Station. The longest is the one coming from Bayombong, Nueva Viscaya that takes 2-3 days to the summit. Other trails (Tawangan & Tinoc trails) will take you to explore the lakes in the northern part with bonus blood leeches or locally called as Limatik as part of the challenge. The other popular trek is the Akiki or killer trek that starts in a road hike going to Ranger Station if i’m correct.

The rest of the orientation is about good and funny stories na from previous hikers violating rules. Orientation ended with a magnificent photo time lapse video from a visitor named Banjo Baho in 2013. Napakahusay na time lapse video. Nakakadagdag ng excitement.

10:11AM RANGER STATION – From DENR, mga halos isang oras din ang byahe papuntang Babadak Ranger Station. Ang Ranger Station ang magsisilbing campsite namin. Hindi kase allowed mag camp sa Camp 1 & 2 sa taas ng bundok na halos 1-2 hrs away from the summit kapag weekend. Halos 10km ang Ranger Station sa DENR pero dahil 99% ng daanan ay paakyat, halos isang oras din ang byahe. Maganda ang mga tanawin along the way. At gawa sa yero ang halos lahat ng tahanan sa mga community. Ayon sa kanila, maswerte na daw ngayon ang umaakyat sa Pulag dahil simentado na ang daanan papuntang Ranger Station from DENR. Few years ago, isang matindi at mahabang rough road daw ito.

Sa orientation, pinagbawalan kaming mag-ingay sa Pulag dahil madalas daw kapag may maingay, umuulan. Medyo mahirap na batas yun para sa aming grupo. Haha! Sa Ranger Station, pwede pa naman. Haha!

?????

?????

?????

7:37PM RANGER STATION MOMENTS – Kaunti palang ang mga hikers nang dumating kami kanina. Nag setup ng tent. Nag lunch. Nag charge ng mge phone sa halagang P30 per device. May jump off house sa pwesto namin sa Ranger Station. Doon pwede mag-charge, gumamit ng banyo at maghugas ng utensils sa sink area. Sa labas ay may dalawang table na rin kung saan pwedeng kumain ang mga hikers per group. Maganda ang bahay. Ang pagkakayari ay combination ng simento, laminated wood at brick roof. Ilang beses nga naming pinuri ang bahay kaya sabi nalang ni ate na may-ari, “paulit-ulit”?

IMG_0859

Matapos kaming mag settle down ng mga gamit sa tent, nag explore kami nang kaunti sa community sa ibaba kasabay nang pagbili narin ng tubig. P25/Liter ang tubig. Sadly, walang free water source sa Ranger Station. At mukhang specialty dito para sa mga turista ay mga pagkaing primarily gawa sa Carrot – Carrot pancake, Carrot okoy, Carrot drink at Carrot ice candy. Pop na pop ang ice candy. Ayon kay ateng tindera, wala daw ibang ingredients yung ice candy niya kundi pure carrots lamang. No sugar or milk added. Ibig sabihin matamis ang carrots nila dito. Masarap din ang Carrot pancake. Mga must-try!

?????

Naaliw din kami sa mga mura at legit na fresh na mga gulay. Dito na rin kasi sa malalapit ang taniman nila. Kaya straight from backyard harvest to pwestong tindahan, no tax & no harmful effect of transporting ang bentahe ng mga gulay nila dito. Sadly, we can’t just simply buy the gulay at dalhin sa Manila.

?????

?????

Hindi shady ang Ranger Station so lantarang nakabilad sa araw ang mga tent. Nang matulog kami nung hapon, paiba iba ang temperature sa tent. Iinit kapag sisikat ang araw at giginaw kapag kapag natakpan ng ulap sabay iihip ang malamig hangin. So hindi ko maintindihan kung magjajacket ako or hindi. Nakatulog din kami ng mababaw. Mga 2-3 hours din. Bandang alaskwatro na ng hapon nang bumangon kami. Oras na para mag explore sa mataas na bahagi ng Ranger Station.

?????

Kasama ang ibang hikers ng Travel Factor, inakyat namin nang kaunti ang traverse hill sa likod ng jump off house para saksihan ang sunset. Doon may signal ng Globe 3G. So pagkakataon na para makapag update ang mga kasama ko ng kanilang SMAs. Photoshoot. Emote shoot. Jump shot. Alam niyo na. May magandang sinag ng araw behind clouds so perfect for instagram-able photos. Hindi makita ng buo ang sunset dahil sa mga ulap pero perfect ang sinag na tumatagos sa mga clouds. May inakyat pa kaming mas mataas na bahagi ng lupa. Doon mas malakas ang 3G at mas maganda ang tanawin. Kita ang mga community rice terraces sa palibot. May ilang portion na nasisinagan ng araw na parang naka-spot light. Sa Ranger Station palang, para ka nang nasa langit, ang taas-taas, lahat ng nasa paligid mo mababa, kahit ang natatanaw mong mga bundok. Di naglaon, kumapal ang ulap sa paligid. Mag alasais na rin pala. Pababa na ang ulap sa amin kaya minarapat na naming bumalik sa camp site.

?????

?

?

IMG_0998

?

Some free time at harutan at bandang 7PM tinawag na kami nila Rico para mag-dinner. Bandang 9PM nag lights out na rin kami. 1AM kasi gigising para simulan ang pag-akyat.

?

?

DAY 2

?

2:07AM ASCENDING – Nakapaikot kami ngayon at magsisimula na ang hiking in a few minutes. Maginaw. Pinakamaginaw sa lahat ng ginaw na naramdaman ko. Medyo mahirap sa pagtulog. Or masasabi kong hindi talaga ako nakatulog. 9PM nag lights off na ang mga tao dito sa Ranger Station. Ako naman ay tinapos ang huling 2 episodes ng Nikita sa tent habang naglolokohan na naman sila Alfred, Jaja, Drew and Emjhay. Pero ayos naman na kahit struggle sa pagtulog. Ngayon, ready na ang lahat. 3 to 4-layer coating, headlamp, camera. 18 kaming aakyat ng sabay. Nag almusal then nag orientation ulit saglit para sa mga reminders. Umuusok ang mga labi namin. Ako may halong kaba sa susunod na 5-6hrs na paglalakad. Naway patnubayan kami ni Lord. Mamaya ulit.

4:20AM TRAIL PASSED CAMP 1 – Hindi ko alam kung malapit or malayo pa kami sa summit. Pero halos dalawa’t kalahating oras na rin kaming naglalakad. Pakapal nang pakapal ang lamig. At nakadaan na rin kami sa unang water source. Exciting ang tubig bundok. Malamig, walang lasa at makapal sa dila. Masarap.

?

Noon una, nakakasabay pa ko kila Jaja sa paglalakad. Sa unang part kase ng trail ay patag naman. Pero makalipas yata ang mga isang oras, biglang nagsimula ang mala-hagdan na daanan. Heto na ang laban. Mabuti at kahit papaano ay pahinto-hinto ang grupo. Pero di naglaon, nagsimula na rin akong mahuli sa kanila. Expected ko naman yun.

?

Sinasabayan ako ni Jerry na isa ring taga Travel Factor kasama ang isa pang babae. Kapag hihinto ako, hihinto din sila. Kapalan nalang ng mukha. Hindi ko talaga kayang sabayan ang mga kasama ko. At kahit naman iwan ako nila Jerry mukhang madali namang sundan ang trail. Sanay na ko mag-isang maglakad sa bawat hiking dahil sa “bilis” ko sa paglalakad. Mas sanay akong nakakakita ng mga likod at bags kesa makakita ng mga taong nasa likod ko. Nape-pressure kasi ako pag may kasunod akong ibang hikers sa likuran at mas lalo akong madaling mapagod kaya nagpapahuli na rin ako. Ang pagiging huli sa trek ang natitira kong comfort zone. After all, its not a race.

4:47AM CAMP 2 – Finally camp 2 na. 15 mins to the tower and from the tower, another 1 hour daw base kila Rico. So mukhang kaya naman. Relatively madali ang trail. Mas matarik pa ang Mt Daraitan at mas challenging pa ang mga putik ng Mt Romelo. Ang magiging struggle mo lang talaga dito ay temperature. Sa tantsa ko, below 10 degrees din. Palamig nang palamig habang tumataas kami. Akala ko malamig na sa Ranger Camp, pero pang amateur lang pala ang lamig doon. Dito matindi. Parang malapit nang mabuo ang mga dugo ko sa katawan.

At maganda ang mga stars.

“Ang taas-taas na natin!!”, paulit-ulit kong sinisigaw. Kase totoo. Ang taas-taas na namin dito palang sa Camp 2. Lakas maka-bucket list.

?

(Hanggang dito na lamang ang real-time entry dahil nawalan na ko ng pagkakataong magblog ng mga sumunod na oras)

5:28AM PEAK 3 – Hindi ko naramdaman yung “15 minutes nalang, tower na” na sinabi ni Rico. Sa akin, parang 30 minutes siya. Pero yung time na pinakamahirap umakyat ay ang pagkakataon na ilalapit ka sa pinakamagandang reward. Ang communication tower na iyong madadaanan ang magsisilbing intro mo sa tanawin sa Peak 3. Hindi pa daw ito ang pinaka-peak pero para sa akin, sapat na ang peak na ito. Sa isip ko may tumutugtog na mala-ochestra na soundtrack ng Everest habang pinagmamasdan ko ang view papalapit sa pwesto ng mga kasama kong busy na sa picture-taking. Nakakamangha. Saktong pa-sun rise na rin kase. Parang isang malaking perpektong digital painting ang tanawin dito. Hindi ko pa nakikita sa ibang bundok or sa ibang lugar. Yung unti-unting pagsilip ng sikat ng araw na parang kapantay mo lang, sadyang priceless.

?

?

Sabi ng taga DENR, perfect sunset can be seen in Roxal Blvd, but perfect sunrise is in Mt Pulag. Agring-agree ako. Napatunayan ko. Marahil ang pagkakakilanlan sa kulay na meron tayo ngayon ay nagmula sa kalangitan. Sa bukang liwaylay. Kung saan ang lahat ng kulay ay nagkakaroon ng buhay. Parang nakikipag-usap. Parang may pinaparating. Parang may mensahe. Sabi nga nila, ang bawat umaga daw ay bagong simula at pag-asa. Hindi ko iyon lubos na nararamdaman kapag sumisikat ang araw sa apartment ko sa Sta Mesa.

Pero dito sa isa sa mga tuktok ng Mt Pulag, totoo pala siya.

Kaya marahil maraming umaakyat ng may hugot sa katawan at umaakyat habang may pinagdadaanan sa buhay eh dahil kakaiba ang saya na hatid ng tanawin na sa pinakamataas na bundok mo lang makikita. Parang gamot na mahirap hanapin pero kapag natagpuan mo, maghihilom ang lahat ng sugat gaano man kalaki.

?

5:46AM tuluyang sumilip ang haring araw. At sa ayaw ko man o gusto, 90% ng oras namin sa Peak 3 ay naubos kaka-picture. Mas gusto ko lang sanang tumingin na parang nakatingin sa kawalan, pero may time limit din kasi kami. At ayoko din namang masayang ang pagod ko sa pagbitbit ng malaking DSLR. Kaya ayun, sa Peak 3 or kahit saang peak siguro ng bundok, halos lahat ng hikers nagiging model. At dahil sa ako ang may dala ng DSLR, ako ang dakilang photographer sa tuktok sa grupo namin.

IMG_20160410_062000_1

Taliwas sa mga balita sa social media, hindi naman crowded sa Mt Pulag. Maraming tao pero hindi crowded. Malaya ka pa ring makakapag jumpshot, makakagawa ng sangkaterbang selfies or magpagulong-gulong sa damuhan gaya ng ginawa ni Emjhay. Why not, nasa highest peak ka na ng Luzon! Pasalamat na rin siguro sa DENR at sa local community dahil organisado ang dagsa ng mga bisita sa national park na ito.

6:30AM THE ROAD TO ULTIMATE SUMMIT – Kung tatanungin mo ‘ko kung ano ang pinakachallenging na part sa pag-akyat sa Pulag, ito ay ang pagbaybay sa mga gilid ng hills along grassland from Peak 3 to the highest summit. Hindi dahil sa mahirap ang trail kundi dahil pasuko na ang mga binti ko. 3.5 hours na rin kaming naglalakad at so far, iyon ang average walking time ko sa pag-akyat or pagbaba ko sa mga narating kong bundok. Pero ayon kay Jerry, may isang oras pa daw papuntang summit. Parang kita ko naman mula sa Peak 3 ang summit na pupuntahan namin. Pero nagulat ako sa mga sumunod na sandali.

Makalipas ang mahigit kalahating oras na paglalakad sa grass land, unti-unti ko nang nararamdaman ang fatigue sa mga binti at mas lalong bumilis ang pagod ko. Tuluyan na kong nahiwalay sa grupo. Noong una, sinasabayan pa ako ni Jerry at ng isang babaeng hiker. Kanina paakyat sa Camp 2 akala ko, hiker siya pero it turned out na si ate pala ay isang tour guide. Akala ko may karamay ako sa kabagalan, pero ako lang pala talaga ang nahuhuli. Dahil nauna na rin si Jerry makalipas ang ilang minuto, inihabilin na niya ko kay ateng tour guide para sabayan.

?

Habang patagal nang patagal, mas bumibilis akong mapagod at mas madalas na ko huminto para magpahinga. Mula simula, dala ko sa bag ang BT speaker ni Alfred pang music. Kaninang madilim, nakaka tatlo or apat na kanta ako bago magpahinga, pero dito sa grassland, isang chorus palang yung kanta, pahinga agad. Sinabihan ko si ate tour guide na pwede naman na siyang mauna dahil tanaw naman ang trail pa-summit. Pero masunurin yata sa rule si ate tour guide na bawal iwan ang visitor hiker kaya wala siyang nagawa kundi maglakad nang mabagal at mainip sa tuwing magpapahinga ako. Dinaan ko nalang din sa kwentuhan. Si ate tour guide pala ay mahigit 100x nang inakyat ang Mt Pulag. Kapag summer daw, araw-araw may umaakyat. Kapag tag-ulan naman, every weekend meron.

?

IMG_1404

?

?

Mapanlinlang ang trail sa grassland patungong summit. Yung akala mong trail na maikli, paglampas mo sa nakaharang na hill, may malalang pasikot-sikot pa pala. Yung akala kong dulo na at maglalapit na sa akin sa summit, sabi ni ate tour guide, ay kalahati lang pala. Parang gumuho ang lahat ng pangarap ko sa buhay. Kahit ang binili kong energy gel, walang nagawa sa pagod ko. Masakit na ang binti at hita ko. Sa bawat hakbang, para akong may hila-hilang kadena. Pumapasok sa isip kong mag-quit nalang dahil sa totoo, kuntento na ko sa Peak 3. Pero sayang din kasi. Dinayo ko na ang Benguet para sa summit na iyon at ilang hakbang nalang din ako. Imbis na umatras, pinili ko pa ring maglakad, kahit gaano kabagal at kahit gaano kalayo pa ang lalakarin ko. Sometimes kase di ba, it’s not the fact that you get there, its how you get there. Ang mahalaga, makarating sa paroonan. Yun nalang self-encouragement ko. Wala eh. Nandun na silang lahat at pag tumitingin ako sa likuran ko, wala nang paakyat. Wala na rin akong pakialam kung nababadtrip na si ateng guide. This is my hike. This is gonna be my achievement. I’ll do it in my own phase and timing.

8:30AM SUMMIT – 30 minutes ang pagitan ko sa grupo. By the time na nakarating ako sa summit, nakailang picture taking na rin sila. Wala na ring sea of clouds dahil may kataasan na ang araw. Pero Mt Pulag summit is Mt Pulag summit. Even without the sea of clouds, Mt Pulag summit is simply incomparable and majestic. Pagdating na pagdating ko sa tuktok, napaupo agad ako sa lupa na parang lumpo. Hindi ako makagalaw. Pero looking at the paligid, hindi ako makapaniwala na sa laki ng tyan kong ito, kasalukuyan akong nakaupo at pinagmamasdan ang view from the 3rd highest mountain in the country.

The summit is 2922 MASL according to mountaineers. Its the highest point in Luzon. And tama sila, the view from here is breath-taking.

?

Agad akong nagtanggal ng damit dahil puno ako ng pawis. Nagpalit ako ng Travel Factor shirt and made my own summit photo opts with Jaja, Drew, Emjhay, Alfred & Efraim. Sa Mt Pulag summit, para kang lumilipad, everything you see is smaller and lower than you. Its like you’re part of the sky.  And you can conquer everything. Para kang stronger than yesterday.

IMG_1507

?

By around 8:55AM, babaan na. And I may say, its the best 25 minutes of my hiking life!

8:55AM DESCENDING – Kung meron lang sanang zipline pabalik sa Ranger Station, yun na siguro ang pinakamahihiling namin ng mga sandaling yon, para lang maging madali ang pagbalik sa Ranger Station. Per naging mabilis na ang aming naging pagbaba. Kasabay ko na sila Alfred & Efraim at pasipat-sipat ng tingin mula sa unahan ay si ateng guide. Pabalik, mas naappreciate ko ang mga landscapes at ang grassland. Mas napansin ko ang flora & fauna ng paligid.  Pansin ko na rin ang mga local porter, sila yung mga pwedeng magbuhat ng mga gamit mo for P300. Binata or matanda, babae or lalaki, porter. Bilib ako sa lakas ng stamina nila, walang kapaguran sa mukha.

?

?

?

?Iba ang route pabalik sa Ranger Station at iba din ang challenges. Sa puntong ito, nagsimula na kaming ma-dehydrate. Isa lang kasi ang water source na nadaanan namin dahil yung supposedly na pangalawang water source paakyat ay natuyo. Dahil maliwanag na ang daanan, mas ramdam na ang layo. Oo, ewan ko ba at tila humaba ng 3x ang trail ngayong pabalik. Nasalubong namin ni Alfred si Emjhay, nagbabadyang tawagin ng kalikasan. Sila Alfred naman at ang iba ay uhaw na uhaw na. Eventually, bandang 11:30AM narating din namin ang water source ulit. Nagrefill kami nila Emjhay and Alfred.

Nagkita-kita kaming lahat sa Camp 1 waiting shed. Nagka-kwentuhan about sa mga sandaling magkakahiwalay kami sa trek. Alasdose empunto, nagpatuloy kami sa paglalakad. Kasabay ko na sila Emjhay , Jaja at ateng tour guide. Si Emjhay sumakay na ng habal-habal pagbaba ng bundok, P100 ang pamasahe. Si Jaja, naka-tyempo ng habal-habal driver na pabalik sa Ranger Station at isinabay siya ng libre. Naiwan kami ni ate tour guide na masidhing binabalagtas ang daan pabalik sa Ranger Station sa gitna ng tirik na araw. Ang layo din ng pagitan ng tinatambayan ng mga habal-habal sa Ranger Station. Basag na ang mga binti ko.

Pasado alauna nang makarating ako sa tent namin. Oras na para magligpit dahil 2PM ang departure sa Ranger Station patungong Baguio.

?

THE WRAP UP

Totoo naman na 3/9 lang ang level of difficulty ng Ambangeg Trail. Easy trail naman talaga siya. Walang tatawiring ilog, walang buwis buhay na trek, walang halik lupa na part. Ang pinaka challenging sa Mt Pulag marahil para sa mga beginners or first timers ay ang temperature at ang haba ng trail. Hindi ko alam kung ano ang challenge ng iba, depende yun sa kondisyon ng isip at katawan. Pero kung uuwi ka mang masakit ang katawan pagkatapos mong maakyat ang summit ng Mt Pulag, iyon ang uri ng sakit ng katawan na proud ka. Hindi ka laging aakyat ng Mt Pulag. Ni hindi ko nga alam kung aakyat ulit ako doon. Pero achievement is an achievement. When you’re there on the summit, it’s like you’re given a whole new strength. Strength that would make you feel you are bigger than any of your struggles. In life, the hardest times teach us the most valuable lessons. And its the same thing when conquering a mountain or while wandering in a trek for the first time. It’s gonna be the hardest but its all worth it.

At the end of the day, bumalik ako ng Maynila with a permanent seal in my head that says, “Hey, naakyat ko ang Mt Pulag”.

?

Comments

comments

2 Comments on “The Mt. Pulag Diary

  1. I’m now officially a follower of your blog 🙂
    Parang ayoko na matapos yung binabasa ko hahaha aliw na aliw ako sa mga adventure mo sir! 😀
    Goodluck sa mga mga aakyatin mo pang bundok , Godblessyou 🙂

    • Hello Marj! Sorry late reply. Hehehe. Thank you for reading this entry. Hindi ako nakakapag update for a long time but will commit now again. Hehe. Keep reading, keep exploring! 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *