HABA @ MTRCB

Bahagi ng bawat ginagawang pelikula ang ipasa ito sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa approval for public exhibition at rating. At kasama ang aming Production Manager sa Sinehan Digitales, Inc. nagkaroon ako ng pagkakataon upang tumambay sa tanggapan ng isa sa mga pinakakilalang ahensya ng gobyerno, ang MTRCB.

Ang “HABA ng Segundo, Minuto, Oras, Araw, Gabi at Panahon” ni direk Cris Pablo ay kamakailang na-rated X dahil sa ilang eksena at tema na di umano pumasa sa guidelines ng MTRCB. Matapos ang mga cuts at deletion ng ilang mga eksena ay muling binalikan ng Sinehan Digitales ang MTRCB para sa panibagong review. Malakas ang tensyon ng kasama ko dahil kinabukasan na mismo ang nakatakdang showing ng naturang pelikula.

Matapos ang maghapong paghihintay ay na-apruban naman ang pelikula at pumasa sa rating na Rated-18. Nauna ko nang napanood ang HABA habang ine-edit palang ito. Pero malaki ang pinagkaiba ng naunang cut sa version na ipinasa ng MTRCB. Sinasabing mahigpit ang MTRCB pagdating sa pag-review ng mga maseselang eksena ng isang pelikula. Pero madalas hindi naman ganoon ang kalakaran. Napansin ko na hindi balanse kadalasan ang paghatol sa ibat-ibang pelikula. Minsan depende sa board member na nagre-review. Minsan depende sa kredibilidad o kapit ng director na gumawa. Minsan ay internal factor naman. 

Narito ang quicktrip sa unang pagkakataon ko na langhapin ang masarap na aircon ng MTRCB.


Ang lounge or waiting area.


1:37PM Sign up muna for guest and visitors.

Ito ang screening room. Kasalukuyang nire-review ang FACE TO FACE Ep 43: KASALANG NABULILYASO, DAHIL SA PANGAKONG NAPAKO!
2:58PM Ang Cooperative Store (na akala namin ay magtatawid ng aming gutom, pero nangangarap lang pala kami).




Isang malaking wall window. Para makatipid ng kuryente sa araw.

4:14PM Nire-review na uli ang pelikula. Kabado ang lola mo. Tatlong beses inulit ang bala. Ang dasal ay naway wag ng ma-X ang pelikula dahil bukas na ang showing. Pag di pa rin na-apruban, tyak maba-ban ang SDI sa mga cinema houses.
5:56PM Luckily, sa dami ng cuts, nakalusot na rin. Nagpapa-authenticate at dry seal ng Permit for Public Exhibition.
6:01PM Natapos ang maghapon na may ngiti sa labi ang aming Production Manager. Matagumpay na maipapalabas ang HABA kinabukasan.

Ang Haba ng segundo, minuto, oras, araw, gabi at panahon starring Joeffrey Javier,Chamyto Aguedan at Jeff Luna ay showing na today (habang pinopost ko ito) sa Robinsons Galleria, Isetann Recto, Remar cinema cubao at Colon Cinema Cebu. Directed by Cris Pablo under Sinehan Digitales Inc.

PS: Hindi ako nakapagpa-picture sa Chairman na si Laguardia. Kailangan pa daw ng letter dahil hindi naman daw siya public figure para basta-basta lang picturan ayon sa distribution namin na suki na ng MTRCB. Anu daw? Ewan ko kung totoo yun. Mabilis na pumasok si Chairman sa kanyang office pagkadating niya at hindi na muling lumabas.


Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *