Kasambuhay Habambuhay

At last, kahit walang tulog at sunod-sunod ang naging mga pagrampa ngayong weekend, natuloy pa rin ang ultimate experience ngayong Saturday! 

Kasama si friendshipJeremiah (who’s on his way to Saudi next week) and Makito (a newly returned missionary), our feet were off to SM Megamall for the KASAMBUHAY HABAMBUHAY: A Short Film anthology, as part of the centennial celebration of Nestle Philippines.
Matao sa mega dahil Independence Day Sale din. Partida pa dahil 2 oras palang ang tulog namin ni maia. Quarter to 6PM ng makarating kami sa cinema lobby at mahaba na ang linya ng mga taong all set para sa 7:05 screening. So hindi na surprising ang dami ng tao na naghihintay. Sa may table ng ticket reception naka post ang..Ticket distribution for 9:30 screening will start on 7:30
Pero kahit ganun, makulit pa rin ang mga tao dahil paulit-ulit pa rin silang nagtatanong tungkol sa ticket at sa susunod na oras ng screening. Dahil kailangan pa namin mag-antay ng 7:30, sinamantala muna namin ang free taste ng Coco Cruch, nakadalawang round din ang mga patay gutom. Hehe.
Ilang saglit pa ang lumipas, pinalad kaming palihim na bigyan ng tatlong ticket ng isang babaeng staff. Akala namin noong una ay para sa 9:30 pa yun, hindi pala dahil ang ticket na inabot nya kay maia ay para sa 7:05 screening.
Hindi kami binigo ng sampung short films na tig-sampung minuto bawat isa. Sympre, hindi mawawala ang Nestle products sa bawat short film, nagpapakita ng role ng Nestle sa buhay ng Pilipino. Astig ang production quality ng mga shorts. Astig din ang stories at “magnificent” ang performances ng mga artists. Ilang bigating artista ang kinuha ng Nestle sa bawat film which is good dahil pasok sa banga ang casting. Ang iba naman ay pamilyar na mukha na sa industriya ng indie and short film, o di kaya naman ay suki na ng Cinamalaya. Kapansin-pansin ang pagka-energetic ng mga viewers mula palang sa unang short na kinatampukan ni Ms. Comedy Icon Eugene Dominggo sa The Howl & the Fussyket. Nasa likuran naman namin ang isa sa mga gumanap sa “Cooking Mo, Cooking Ko” na tawa din ng tawa sa mga pinaggagawa niya. Nakadagdag pa sa mabagsik na cinamatography ang pagiging digital theater ng cinema 3, ibig sabihin, hindi film ang gamit na medium, kundi digital format.
MY TOP FAVORITES
TINGALA SA BABA – Henry Frejas
This satire film shows a very simple story yet upholds a very powerful message. Natuwa ako sa mga batang gumanap dito. Natural ang arte. Para bang walang camera sa paligid. Excellent cinamatography din. Even the soundtrack speaks for the story. Medyo pumalya lang sa continuity ng sinag ng araw which is somehow a typical challenge sa outdoor shoot. Pero sa pangkalahatan, ang pag-uusap ng mayamang bata at mahirap na bata sa gitna ng kanilang “common ground” ay matalinong konsepto ng short film. Wish ko lang tinamaan ang mga “rich kids”.
OH! PARA SA TA U WA YEAH! – Jeorge Agcaoli
Gusto ko to because of its charm and music. I love musical films. And I know how hard it is to make a musical film. And how hard it is to shoot sa isang uma-andar na vehicle. Nice naman dahil the editing is seems to be very perfect and subtle. Ang istorya ng Nestea Iced Tea TVC campaign ay well-established na, and it gave a good advantage to catch the hearts of the audience in putting it into a short film masterpiece. 
The best line? Interesting ka daw sabi ng ate ko, tulad nitong book ko (Jillian holding a children’s book). -Haha
SILUP – Jun Reyes
Nagustuhan ko ang SILUP dahil una, ang kabuoan ng istorya ay nasa dulong lahat. Pakiramdam ko, ang buong kwento ay nasa huling tatlong minuto ng pelikula. Pangalawa, nakipagtitigan ako sa kaisa-isang eksena ni Ms. Gloria Diaz. Higit 2 minuto din siyang hindi kumurap. Palantandaan ng kanyang kahusayang walang kupas.
DOWNTOWN – Stephen Ngo
Katulad ng SILUP, paglalaruan din ng DOWNTOWN ang paniniwala mo sa mahabang panahon at pagkatapos sa dulo ay tila ba biktima ka ng maling akala. Ang popular na tawag dun ay twist. Isang kapansinpansin na kapangyarihan ng DOWNTOWN ay ang pagpapamalas nitong gawing tila ba matiwasay at malamig na lugar ang China Town. At ang huling dayalogo sa dulo na, “tara na, uwi na tayo,” ang bumuo sa kwento. Kudos para kay Stephen Ngo, na hindi ko kilala.

Actually, hindi ko namalayan na tapos na ang 100 minutes. Nakakaaliw. Sa maiikling kwento, pang matagalang epekto ang dala. Iba na talaga ang marketing strategy ngayon. 

Comments

comments

2 Comments on “Kasambuhay Habambuhay

  1. May free taste pala ng Coco Crunch oh! Amp! Anyway, inenjoy mo naman siya ng bongga kaya ko lang.

  2. Bakit nga ba hindi ka pumunta? Haha. Naka pag coco crunch ka rin sana! haha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

* Copy This Password *

* Type Or Paste Password Here *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>