Friendster Effect

Ngayong bakasyon at malapit na ang pasukan, nadadalas ang pagpupuyat ko. Actually, wala namang bago dun. Pero dahil mas mabilis ang internet tuwing hating gabi, mas ganado akong makipag social network sa mga ganitong oras, kung kailan tulog na ang mga nakatatanda at gising naman ang mga taong under productive stage. Natuon ang pansin ko sa Friendster.

Napabalitang magkakaron ng malaking pagbabago ang flatform ng friendster. Hindi upang kalabanin ang Facebook, kundi umano ay maging ka-compliment nito. Sa bagay, oras na rin para linisin ang friendster magsimula uli ng bagong kultura. Malaking bagay ang friendster sa kin. Para sa mga batang 90s, friendster ang kauna-unahang patok na social networking site sa Pilipinas. Kasabay sumibol ng friendster ang Myspace at hi5. Pero naging pinakasikat na bentahe ang friendster sa industriya ng computer na shop na dahan-dahan ding naging in-demand noon, halos kasabayan din ng mga online games tulad Ragnarok at Diablo.

First year high school nang una akong matutong gumamit ng computer. Sariling sikap lang ako. Laki sa public school kaya hindi ako nagkaroon ng pormal na edukasyon sa computer. Maging nung highschool, pilot section lang ang may computer subject. At kahit may computer library, naging tambayan lang yun ng mga panlaban ng school. Though sympre sasabihin nila na para sa lahat ang computer library. Natatandaan ko pa nang sumulat ako sa dyaryo namin upang itanong kung bakit pilot section lang ang nakikinabang dun. Ang naging sagot sa akin ay hindi naman daw para sa section 1 lang ang computer library. Totoo naman yun. Yun nga lang, naitatag na kasi ang imahe ng computer library at tila ba kakapal ang mukha mo pag sinubukan mong mag avail ng kanilang serbisyo. Isa pang malaking problema ay ang namamahalang teacher ng computer library na itinuturing na mamahaling plato at kubyertos ang mga PC na tuwing fiesta lang dapat gagamitin.

Sa madaling sabi, natuto akong mag computer kakatamabay ko sa mga computer shop na unti-unting dumami sa bayan ng Antipolo. Trial and error ang lahat. Pag nag-hang ang PC, yun ang hudyat para tawagin ang nasa counter, tapos tatandaan mo nalang ang gagawin niya para mag naencounter mo ulit ang same problem, alam na. Kaya malapit sa puso ko noon Oztech na 30 per hour pa noon. Naging sunod na tambayan ko ang Yas Cafe na kalahati ng Oztech ang presyo.

Halos lahat ng tao noon, sa tuwing mag-o-online, friendster ang nasa harapan. Hindi kulay blue and white ang mga monitor noon, kundi puti at brown lang na may bilog na smiley. Natatandaan ko pang nagkaroon ng maraming upgrade ang friendster. Mula sa mala-bio-data na style hanggang sa naging malaya ang mga jejemon na baguhin ang kulay at maglagay ng mga glittering effects sa kani-kanilang profile. Isa sa mga dahilan ng pagsikat ng friendster ay dahil sa “testimonial”, or “testi”. Ito yung magpo-post ka ng description sa profile ng kaibigan mo tungkol sa kanya base sa iyong pagkakakilala. Palitan pa dati ang style. Meron din namang nagmamakaawa magkaron lang ng testi. Well, noon hindi rin ako nagpakabog pagdating sa mga testi. Marami-rami din akong naipon.

si alex?
well,kung di nyo natatanong?isa yan sa
mga walang kwentang tao sa buong
mundo!!!!graveh ang appeal ng malditang
yan!d mo matttake sa dami ng ginagawa
nya sa buhay
ewan ko ba kung bakit ko nging kaibigan
yang hinayupak na yan?basta ang alam
ko,marami na kaming pinagdaanan ng
baklang yan! sawang-sawa na nga me sa
pagmumukha nya eh!

– BERNADETTE PASTORAL, Babeng Liberal, March 17, 2004

Malndi, harot laging nghahanap ng gulo. Kulang na nga lang pasabugin ang buong ANtipolo Nat’l High Skul buti nlang d nya gnawa. C alex mabait, msayang ksama, mataas ang level ng comones namin wlang tatalo lalo na kung love ang pnaguusapan. Un nga lang minsan nakakatakot lpitan kac bka skmalin ako. Pero d nman xa ganun ka wild gya ni Emelito Laping, ung bklang bangkay na pnagkaitan ng langit at luopa. Hahahaha…

-JEFFREY ANCHETA, Baklang Mahilig Sumulat, March 3, 2004

LEXZIE, ANO BA ANG GUSTO MONG SABIHIN KO PARA SA ISANG NAPAKAWALANG KUWENTANG TAONG KATULAD MO, E DI WALA….. HE HE HE’

*Update: Hindi ko na natapos ang entry na ‘to. Hindi ko rin alam kung bakit. Mula 2011, nasa draft na siya. Nang taon din ‘yon, pormal na nagpaalam ang friendster sa mga users nito para tuluyan nang maging isang Gaming Site. Na-download ko ang offline friendster file ko. Nandoon ang mga photos, profile and testimonials na pwede mo ma-view anytime kahit walang internet. Parang way of archiving na binigay ng friendster sa mga users bilang pamamaalam at pasasalamt.  Sa kasamaang palad, ng taon din iyon, ninakaw ang laptop na gamit ko kung saan naka-save ang friendster file. Kasabay nun, tuluyang nawala ang mga testimonials na pwede ko sanang balik-balikan hanggang sa pagtanda ko.

March 8, 2015 ngayon. Ipa-publish ko ang post na ito based sa last draft.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *