Sing-a-thon with College Friends

Wednesday nakareceive ako ng text mula sa isang college friend, tinatanong ako kung pwede ako sa Saturday from 12 noon to 12 mignight. Sabi ko, basta pagkakaperahan, sige, go tayo dyan! At nagulat ako sa gagawin namin! Magbi-videoke ng 12 hours!

Dubbed as 12HR Sing-A-thon by Bactidol, simple lang ang mechanics ng event. Bumuo ng grupo na may minimum na 10 members, magpareserve sa RedBox Karaoke sa Eastwood Mall, kapag pasok ang grupo, tatawagan para pumunta sa event. Ang gagawin lang ay kailangang mag-videoke straight for 12 hours! Bawal ang gap. Bawal ang tulain ang lyrics ng song. Basta kanta lang ng kanta. Ang grupong maka-survive hanggang 12 midnight at tatanggap ng bonggang-bonggang 20K! Not bad, right?

Ilang oras bago ang event, napag-alaman naming nasa waiting list pala ang grupo namin. Ilang weeks bago ang event, marami naring nagpo-post sa fanpage ng Bactidol na nasa waiting list din sila. So we didn’t get our hopes up. And then, 35 minutes bago mag 12PM, iniform kami bigla ng mga organizer na merong nang slot for us! Imagine kung paano kami nagmadal trying to get to Eastwood for only around 30 minutes! Kinulang pa kami ng 2 members sa grupo, buti there were people around na nahila namin to join us! Around 12:30 na kami nakumpleto. Nagbigay naman ng consideration ang mga organizers since almost last minute narin sila nag-notify. And the long singing marathon began.

 

Here are some of our pics!

 

Birit ni pearl.

Duet mode with Jireh & Eira

 

Group pic while setting up.

May “Sing For Food” na tinatawag, wherein kailangan niyong kantahin ang mga required songs (eg. Bring Me to Life, My Way, etc for a free snacks! Max of 2 orders per 3 hours!

Look! Barbie & Kitchie!

The guys after 12 hours of singing non-stop!

Yun oh. 20K check! Why not!

12:30PM na kami nakapag-start so 12:30AM na kami nakatapos! It was awesome! Together with other 20 groups, we survived na 12-hr Sing-A-Thon! Parang you’re getting paid to do what you usually like to do and it was fun!

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *