Hello.
Nakatulog yata ako ng matagal. Bagong taon pa nang huli akong magsulat dito. Pero hindi ko alam kung bakit madalas pinagpapaliban ko ang mga nakagawian kong gawain. Hindi naman ako pala-busyng tao. Ayoko talaga ng ganun, yung ginagawang excuse ang pagiging “busy”. Eh halos lahat naman ng tao, busy. Pwedeng busy sa pagtambay. Busy sa pagtext. Busy sa pag-iinternet. Ibig kong sabihin parte na ng tao ang may ginagawa or maraming ginagawa. At hindi yun sapat na dahilan para hindi gawin ang mas importanteng bagay, mga mas importanteng bagay. Totoo. Pero wala yang kinalaman sa buhay ko ngayon. Wala akong pakialam sa mga taong abala. Mas lalong wala akong pakialam sa mga taong abala sa pagpapayaman. I mean, hindi naman yun masama. Pero ironic lang na matapos kang magpayaman, mamatay ka pa rin na walang dala papuntang langit.
Summer na ngayon. Naalala ko noong nakaraang taon, matapos tapusin ang halos 2 taon ko sa Sitel bilang call center agent, ginugol ko ang buong bakasyon para sa practicum, or mas kilala sa tawag na OJT, On the Jeep Training, yun yung nakaupo ka malapit sa driver ng jeep at wala kang ibang ginawa kundi mag-abot ng bayad at sukli. Feeling ko yun ang pinaka-malas na pwesto sa loob ng jeep. Hahaha! (tawang wagas) Natutunan ko yan sa isa kong ka-dorm nang minsang umattend kami sa bithday handaan ng isa din naming dating kaboardmate. Balik tayo, ngayon bakasyon ulit. Matagal mapuno ang mga trycycle sa umaga. Ang awkward magsabi sa konduktor ng estudyante po! Lalo kung hindi ka naman naka-uniform at mukha ka nang employee (in a positive way). At ang pinaka-masaya sa lahat, konti lang ang estudyante sa school, parang araw-araw weekend sa PUP ngayong summer.
Oo. Summer class.
Yan ang eksena ko ngayon. Tatlong units for Obligations and Contracts at isa pang tatlong units para sa Humanities. Yung oblicon ay singko subject. Hindi naman ako bobo, pero si Prof Jimmy Santos na dati kong prof dun ay binagsak lahat ng bading sa klase niya. Malas, naamoy ako. At swerte ng mga kumopya sa kin sa midterm at finals, dahil sila pa ang nakadale ng tres. Okay na kasi ang tres para sa minor na feeling major. Sinubukan ko pa yung hanapan ng explanation kung bakit nya ko binigyan ng TV5 na final grade, at sa kasamaang palad, wala naman siyang maipakitang calculations or kahit anong record. Tsk tsk tsk. Akala ko after 2 years ng absence ko sa PUP ay wala ng ganong prof na tinagurian pa namang “attorney”. Meron pa pala.
Yung pangalawang subject na dagdag boredom sa aking Summer 2011 ay Humanities. Isang kadorm, si marvin, ang nagsabi sa kin na ang Humanities daw ay all about appreciation of arts! Naknang! Eh artistic pa naman ako. Hahahahahaha! May pagsayaw daw dun ng Itik-itik. Kaya pala minsan sa 6th floor, or madalas, may mga nagpra-practice ng sayaw. Meron pa nga akong nakitang tumalon pa sa armchair. Part siguro ng presentation. Nagmukhang PE department ang sex floor, i mean, sixth floor. Naalala ko nang tanungin ako ni Mam Beths, chair ng department namin, kung ano ang kukunin ko ngayong summer, sabi ko lang, humanity po. Eh wala palang ganung subject.
Ang hirap tuloy magdecide kung paano maging productive ngayong bakasyon. Feeling ko marami akong bakanteng oras. Napaka big deal ng bakanteng oras dahil bihira lang ako magkaroon nun. Pero ayoko din naman mag full-time employee dahil naranasan ko na mag work while studying at sakit yun sa pancreas! Haha!
———————————————————————–
PS: Nag OJT ako sa Sinihan Digitales, Inc. Gumagawa ng mga independent films. Hindi sa jeep. =) Happy summer!
Comments
comments