FEAR

Subukan ko lang mag blog. Baka sakaling iba ito sa tradisyunal na pagtatala ng journal sa papel. Matagal ko na kasing hindi nasusulatan ang journal ko. Hindi ko alam.

Marahil may pangamba ako. Madalas hindi masaya ang naisusulat ko. At ayoko ng mga bagay na hindi masaya, kahit pa sabihing mahilig ako sa nakaraan.

Oo. Mahilig ako sa nakaraan. Sa mga bagay na nangyari na at hindi na pwedeng mabago. Madalas akong naiiwan. O siguro dahil madalas ayokong sumabay sa kasalukuyan. Sabi nila, ang nakaraan ay kasaysayan na. Ang bukas ay isang misteryo. At ang kasalukuyan ay isang regalo, handa ng buksan.

Samahan ko mo. Magkwentuhan tayo sa pangyayaring naganap na. Para sa ‘kin, ang nakaraan ay isang walang katapusang kwento. At ang pagbalik tanaw ay isang nakakatakot na gawain.

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

* Copy This Password *

* Type Or Paste Password Here *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>